top of page
Lakbay Sanaysay

Sa Tulong ni Hesus

Noong 2015, ako at ang aking mga kaibigan ay nagutngo sa Bayan ng Calamba, hindi para lamang bisitahin angbahay ni Rizal at magkaroon ng pagsasama-sama, kundi ay tumulong sa mga taong nangangailangan at makapagbigay kami ng pag-asa kanila. Sa tuwing ako ay may nakikitang saya sa bawat mukha nila, nakararamdam din ako ng saya na para bang ang ganda at ang gaan sa pakiramdam na nakatutulong ako sa ibang tao kahit na hindi ako ganoon mapagbigay. Ang aming paglalakbay sa Bayan ng Calamba ay nagkaroon ng magagandang alaala at aral na maaaring ibahagi din sa ibang tao na nais tumulong sa kanilang kapwa.

Isinagawa namin ang paglalakbay na ito dahil kailangan namin ito sa aming asignaturang CLE (Christian Living Education), sa una ay hirap kami dahil kailangan namin bumili ng mga pagkain para sa mga tutulungan namin at paano namin mapupuntahan ang lugar na iyon. Sa una ako'y naiinis dahil mapapagastos ako at kailangan magtipid, ayokong humihingi ng pera sa aking magulang dahil gusto ko pinaghihirapan ko ang mga bagay na gusto ko at kailangan. Hindi lamang pagkain at inumin ang aming binigay sa mga tao, nagbigay din kami ng mga damit at nagparating ng dasal sa mga taong namayapa na. At dahil sa mga tulong na nagawa namin, unti-unti ko ring nagustuhan ang aming ginagawa. Marami akong natutunan sa aming paglalakbay, una, natutunan ko kung paano nga ba tumulong sa mga taong nangangailangan at paano sila mapapangiti mula sa mga maliliit ng tulong namin. Pangalawa ay natutunan kong makipagsalamuha sa ibang tao at pang huli ay maging indipendeng babae, na hindi ako umaasa sa iba. Ang paglalakbay na ito ay tunay na nakatulong sa akin dahil mas lalo kong naidebelopa ang aking sarili at naging mapagbigay sa mga tao. 

Naging matagumpay ang aming paglalakbay dahil marami ang aming natulungan at nagawa namin ang mga dapat naming gawin. Magagamit ko ang aming o ang aking mga natutunan sa buhay na hinaharap sa pamamagitan ng paghiwatig sa mga mas nakababata sa akin ang totoong ibig sabihin ng pagtulong at pagbibigay pag-asa sa iba. Ang hamon nito sa akin bilang mag-aaral ay ipagpatuloy ko ang aking pagtulong sa iba at mapanatili ang magandang relasyon.

Join our mailing list

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon

© 2017 by The Adventures of a Not-So-Cool Girl. Proudly created with Wix.com

bottom of page