top of page
Pictorial Essay

Ang Dalawang Mundo ng Kabataan

Ang bawat isa ay pilit na sinusunod ang gusto ng magulang upang masuklian ang paghihirap nila at magkaroon ng magandang buhay, ngunit hindi masaya sa pangarap na gusto ng magulang. 

Ang mundo ay puno ng maraming oportunidad at mga pagpipilian na kung saan ang bawat desisyon na iyong tatahakin ay may kapalit o mahahantungan. 

Marami sa kabataan ang hindi alam kung ano ang dapat piliin. 

Ang pagpili ay parang dalawang pinto, isang kanang pinto at isang kaliwang pinto na kung saan hindi mo alam kung ano ang mayroon sa loob at paano ito haharapin.

Hindi alam kung anong paa ang una mong ihahakbang, ang kanan ba o ang kaliwa mong paa?

Nauubos ang oras sa pagpili ng dapat piliin at paano masasabi na tama ang desisyon. Sa isang araw ay mayroong dalawampu't-apat na oras ngunit kulang pa rin. 

Ang kabataan ay nauubusan ng oras at tila napapaisip na lamang kung pipiliin ang ikasasaya niya o ang ikasasaya ng magulang niya na pinaghirapan ang kanyang pag-aaral upang matupad ang pangarap na gusto nila para sa kanya.

Join our mailing list

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon

© 2017 by The Adventures of a Not-So-Cool Girl. Proudly created with Wix.com

bottom of page